DOH muling nanindigan na hindi kailangang magsara ng border ng bansa
Muling nanindigan ang Department of Health na hindi na kailangang magsara ng border ang bansa.
Ito ay kahit pa may kaso na ng monkeypox virus sa Pilipinas.
Ayon kay DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire, ang monkeypox ay hindi naman kagaya ng COVID- 19 na mabilis kumalat.
Kailangan kasi aniya dito ay direkta at close skin to skin contact sa taong infected bago mahawa.
Habang ang COVID-19, bukod sa aerosolized droplets, may pagkakataong airborne din kaya mas mabilis itong makahawa.
Giit ni Vergeire, kailangang balansehin din ang epekto nito sa kalusugan at ekonomiya.
Pagtiyak ni Vergeire,epektibo pa rin naman ang kasalukuyang surveillance system at preventive measures na pinaiiral sa bansa.
Madelyn Villar- Moratillo