DOH naabot na ang target population ng mga kabataang nais mabakunahan kontra COVID-19
Lumagpas sa inaasahang bilang ng mga dapat mabakunahan kontra COVID -19 ang Department of Health para sa mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, hanggang nitong October 24, para sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17, ay 8.9 milyon ang kanilang target na mabakunahan.
Pero ang fully vaccinated na ay umabot sa mahigit 10 milyon o katumbas ng 112.28% habang ang may booster dose naman sa kanila ay 1.02 milyon.
Para naman sa mga nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang, halos kalahati na ng porsyento ng target population ang bakunado narin.
Ayon sa DOH, sa 10.8 milyong batang nasa edad 5 hanggang 11 anyos, 5.2 milyon o 47.76% na ang bakunado.
Patuloy namang hinihikayat ng DOH ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak kontra COVID- 19 lalo at sa Nobyembre ay magsisimula na ang full implementation ng face to face classes.
Madelyn Villar-Moratillo