DOH, nagbabala sa Heat Stroke ngayong tag-init

Patuloy na umiinit ang temperatura kaya naman naging maagap ang Department of Health o DOH sa pagpapaalala sa publiko laban sa heat stroke.

Ayon sa DOH, ang sobrang matanda at ang sobrang bata ay mataas ang panganib na makaranas ng heat stroke.

Ang sakit na ito ay tinatawag ding Heat injury o Sun stroke at nangangailangan ng agarang atensyon o gamutan dahil ito ay nakamamatay.

Kabilang sa mga sintomas nito ay pagkahilo at pagsusuka, pagkawala ng malay, pananakit ng ulo, panghihina, malamig na pagpapawis sa kabila ng mainit na panahon, pamimintig ng muscles, mabilis na pagtibok ng puso, kinakapos sa paghinga, pamumula at paghapdi ng balat, panunuyo ng dila at pagtaas ng temperatura ng katawan mula sa 40 degrees celsius.

Payo ng DOH, napakahalagang laging umiinom ng tubig tuwing ikalawang oras ay dapat na uminom ng tubig kahit hindi nauuhaw.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *