DOH nagbabala sa mga doktor na magrereseta ng IVERMECTIN sa mga pasyente ng Covid-19
Binalaan ng Department of Health (DOH) ang mga doktor na magrereseta ng Ivermectin sa mga pasyenteng may Covid-19.
Ayon sa DOH, isusumite nila ang pangalan ng mga doktor na mapapatunayang nagrereseta ng Ivermectin sa kanilang pasyente sa Professional Regulation Commission (PRC).
Kung mapapatunayang guilty, maaari silang mawalan ng lisensya.
Hinikayat rin ng DOH ang publiko na ireport ang mga indibidwal na nagbebenta o nagrerekumenda ng Ivermectin.
Binigyang-diin ng DOH na ang Ivermectin ay isang veterinary product at hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) bilang panggamot sa viral infection.
Hindi umano ito inirerekumenda ng DOH at FDA bilang panggamot sa Covid-19 patients dahil wala pang mga pag-aaral na nagawa hinggil sa benepisyo at kaligtasan nito.
Paalala ng DOH ang paggamit ng gamot sa hayop ay maaaring magdulot ng masama sa kalusugan ng tao dahil kadalasang mas mataas ang concentration nito.
Madz Moratillo