DOH , nagbabala sa mga kumakalat na maling impormasyon sa Omicron
Sa gitna ng pagdami ng mga kaso ng Omicron subvariants sa bansa ay ang pagkalat rin ng mga maling impormasyon na binabalaan ang publiko sa posibilidad na magkaroon ng tinatawag na deadly Omicron wave.
Sa isang advisory, binigyang diin ng Department of Health na bagamat mas nakakahawa kumpara sa ibang variant ng Covid 19, ang Omicron variant at subvariants nito ay may mababang posibilidad na magdulot ng malalang sakit.
Basta ayon sa DOH, bakunado na o may booster shot na kontra COVID-19 at sumusunod sa health protocols.
Kaya rin umanong madetect sa pamamagitan ng RT PCR test ang Omicron at subvariants nito.
Paalala ng DOH sa publiko, huwag maniwala sa sabi sabi at makinig lang sa lehitimong impormasyon mula sa DOH o iba pang health authority o news agency.
Madelyn Villar – Moratillo