DOH nagbabala sa mga nag-aalok ng bakuna umano kontra mpox
Binalaan ng Department of Health ang publiko laban sa mga bakuna umano kontra mpox.
Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng nakarating na impormasyon sa kanila na may mga organisasyon o indibidwal ang nag-aalok ng umano’y mpox vaccine galing sa ibang bansa.
Ayon sa DOH, hindi ito dumaan sa kanila o sa Food and Drug Administration.
Doses of Bavarian Nordic’s Imvanex vaccine, used to protect against mpox virus, at the Edison municipal vaccination centre in Paris, France July 27, 2022. Alain Jocard/Pool via REUTERS/File Photo
Ang mpox vaccine ay kailangan umano ng proper storage kaya hindi sila makasisiguro sa safety nito.
Payo ng DOH, mas mabuting mag-avail na lang ng bakuna kapag legal na itong available sa bansa at masiguro ang pagiging epektibo nito.
Sa datos ng DOH nasa 15 na ang aktibong kaso ng mpox sa bansa.
Madelyn Villar-Moratillo