DOH, nagbabala sa publiko laban sa tubig na kanilang iniinom upang maiwasan ang Diarrhea

Maraming benepisyong dulot sa katawan ang pag inom ng tubig, ilan dito ay nakatutulong sa pagbawas ng timbang, inaalis ng tubig ang taba sa katawan, pinabababa nito ang gana sa pagkain, nakababawas ng  gutom, pinabibilis nito ang metabolismo ng katawan at higit sa lahat, wala itong calories.

Bukod dito, nakatutulong din ito upang makapag isip ng mabuti,  maayos at gayundin ay tumalas ang isipan.

Sa kabila ng benepisyong ito, nagbabala naman ang  DOH na mag ingat sa iniinom na tubig at tiyakin  ang pinanggalingan nito.

Dapat anilang matiyak na ang iinuming tubig ay hindi kontaminado ng anumang bacteria tulad ng e-coli.

Bunsod ito ng pangyayaring naganap sa Misamis Oriental kung saan nagkaroon ng diarrhea outbreak  na kung saan mahigit sa apatnaraang tao ang nabiktima ng pagdudumi at  naging sanhi ng pagkamatay ng isang biktima.

Ayon sa DOH, kontaminado ng e-coli bacteria ang pito sa labing dalawang water wells  ng Medina Rural Water Services Cooperative  sa naturang lalawigan.

Payo ng DOH, hanggat maaari ay  pakuluan muna ang tubig na iinumin lalo na at hindi tiyak kung saan ito nanggagaling upang maiwasan ang mga sakit na tulad ng diarrhea na nakamamatay.

 Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *