DOH, nagbabala sa publiko na mag-ingat sa mga usong sakit tuwing tag-ulan
Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na mag-ingat sa mga sakit na nakukuha sa panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag mayroong apat na uri ng sakit ang malimit na nakukuha sa mula sa tubig baha sa panahon ng tag-ulan
Kabilang dito ang mga sakit na may acronym na “wild” – o Waterborne diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue.
Mahalaga aniyang mapanatili ang kalinisan para makaiwas sa mga nabanggit na sakit dahil hindi biro ang matamaan ng sakit sa mga panahong ito.
Please follow and like us: