DOH nagbabala sa publiko para maiwasan ang food poisoning kaugnay ng papalapit na summer season
Hindi pa man opisyal na idinedeklara ng PAGASA weather forecasting center ang summer season, pinag-iingat na ngayon pa lang ng Department of Health ang publiko sa mga pagkaing kanilang niluluto.
Ayon sa DOH, kapag mainit ang panahon mas madaling dumami ang mikrobyo at nagiging sanhi ng pagkapanis nito.
Dapa na lutuing mabuti ang pagkain at panatilihing malinis ang paghahanda ng pagkain para mailigtas sa mga kontaminasyon.
Sinabi ni DOH Asec. Eric Tayag na kapag nakontamina ang pagkain at nakain ng tao, maaari siyang dumanas ng food poisoning.
Kabilang, sa mga sintomas ay pagsakit ng tiyan, nausea, vomiting, pagpapawis ng malamig, pamumutla at ito ay mararanasan ng pasyente makalipas lang ang isang oras.
Mainam din na alalahanin kung ano ang kinain sa agahan, sa tanghalian o hapunan.
Binigyang diin nizt na posible na makaranas ng Dehydration ang isang pasyenteng na food poison kung mainam din na may nakahandang oral hydration solution.
Ulat ni: Anabelle Surara