DOH nagbabala sa publiko sa paggamit ng Gluta drip
Binalaan ng Department of Health ang publiko sa panganib ng paggamit ng Glutathione drip na ginagawa sa mga klinika gaya ng nauuso ngayon.
Naaalarma na ang DOH dahil maging sa mga beauty salon at wellness spa may alok na ganitong serbisyo.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa , pwede kang pumuti sa IV Glutathione pero sisirain nito ang iyong kidney at pwede kang mamatay dahil rito.
Pwede aniya ito sa mga ospital dahil ginagamit ito bilang rescue medicine pero hindi ligtas gamitin sa mga klinika gaya ng nauuso ngayon.
Ang pahayag ng kalihim ay kasunod ng ulat kung saan isang babae ang namatay pagkatapos umanong makatanggap ng IV Gluta at Stem Celll sa isang clinic sa Quezon City.
Pinaiimbestigahan na rin ng DOH ang nasabing klinika kung lisensyado ba ito.
Paalala naman ng dermatologist na si Dr. Jean Marquez, hindi basta basta ang pagbibigay ng Gluta drip.
Madelyn Villar – Moratillo