DOH nagbigay na ng go signal para magamit ulit ang Astrazeneca vaccines sa mga nasa 59 pababa
Inanunsyo ng Department of Health na muli ng gagamitin sa vaccination program ng gobyerno ang COVID- 19 vaccine ng Astrazeneca para sa mga nasa below 60 yrs old.
Matatandaang itinigil pansamantala ang paggamit sa Astrazeneca vaccines para sa mga nasa 59 pababa kasunod ng ulat na may ilang naturukan nito sa Europa ang nagkaroon ng rare blood clotting.
Tiniyak naman ni Health Usec Ma Rosario Vergeire na bago napagdesisyunan ay dumaan ito sa masusing pag aaral ng mga eksperto at batay sa best medical evidence.
Bago ito, nagkaroon aniya ng pagpupulong ang DOH, Food and Drug Administration, grupo ng mga eksperto kabilang ang Philippine College of Hematology and Transfusion Medicine.
Ang anunsyo ng DOH ay kasunod ng nakatakdang pagdating bukas sa bansa ang 2 milyong doses ng Astrazeneca vaccine.
Madz Moratillo