DOH naglabas ng guidelines para sa second booster shot
Naglabas ng guidelines ang Department of Health (DOH) para sa ikalawang COVID-19 booster shots para sa general population.
Ayon sa DOH ang malulusog na indibidwal na may edad 18 pataas ay maaring tumanggap ng kanilang second COVID-19 booster shot higit 6-buwan matapos matanggap ang kanilang first booster dose.
Gagamitin para sa second booster inoculation ang mga vaccine brands na Pfizer, Moderna, at AstraZeneca.
Para naman sa mga healthcare workers, may edad 50 pataas at indibidwal na may comorbidity ay maaaring tumanggap ng kanilangsecond booster jabs higit tatlo o apat na buwan, depende sa unang brand ng first booster vaccine na kanilang tinanggap.
Nilinaw naman ng DOH na ang mga immunocompromised adults ay maaring tumanggap ng second booster jabs higit tatlong buwan mula na ng matanggap ang unang booster dose.
Sa ngayon, sinabing DOH nawala pang booster vaccine na available para sa mga kabataang edad 5 hanggang 17.
Una ng napagkalooban ng second booster ang mga frontline healthcare workers, senior citizens at mga indibidwal na may comorbidities.
Sa datos ng DOH, higit 79.1 milyong Filipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19, habang 24.1 milyong Filipino naman ang nakatanggap ng booster shot hanggang noong March 16, 2023.