DOH, naglabas ng health advisory kasunod ng muling pag-aalburuto ng Bulkang Taal
Dahil sa sulfur dioxide emission at ashfall mula sa Bulkang Taal, nagpalabas ng public health advisory ang Department of Health upang maingatan ang mga residenteng naninirahan malapit dito.
Babala ng DOH, ang sulfur dioxide ay isang colorless toxic gas na maaaring makasama sa respiratory system ng tao at magdulot ng hirap sa paghinga.
Ang isang tao na magkakaroon ng direktang exposure sa sulfur dioxide ay makararanas ng hirap sa paghinga o makaapekto sa kaniyang balat.
Sakaling ma-expose sa sulfur dioxide ay agad na magtungo sa poison control centers o pagamutan.
Dahil dito inaabisuhan ang mga apektadong residente na:
- Iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi naman kailangan
- Isara ang mga bintana at pintuan lalu na’t kung naninirahan malapit sa bulkan, at main crater nito
- Laging magsuot ng face mask, protective gear para sa mga mata at pangtakip sa balat
Nagbabala rin ang DOH sa volcanic ashfall dahil maaaring magdulot ito ng problema sa ating kalusugan gaya ng bronchitis, emphysema o asthma.
Nagbigay din ng listahan ang DOH na dapat lamanin ng mga go bags at e-baldes.