DOH, naglabas ng memo para maiwasan Ang posibilidad ng airborne transmission Ng covid 19

DOH, naglabas ng memo para maiwasan Ang posibilidad ng airborne transmission Ng covid 19

Bagamat wala pang kongkretong ebidensya na magpapatunay na posible na ang airborne transmission ng covid 19, inirerekumenda na ng Department of Health ang pagkakaroon ng ventilation lalo na sa mga enclosed room gaya mga opisina at iba pang kahalintulad na lugar.

Ayon kay Health Undersecretary Ma.Rosario Vergeire, nagpalabas na ng isang memorandum order ang DOH para bigyang gabay ang lahat hinggil sa ventilation.

Sa ilalim ng nasabing memo, pinaiiwasan ng DOH ang pagsasagawa ng aktibidad sa mga enclosed indoor spaces.

Mas mabuti ayon sa DOH Kung magsasagawa mg aktibidad sa mga open air na lugar upang may sapat na bentilasyon ng hangin.

Para naman sa sasakyan kung Ito ay pang biyahe o public transport dapat iwasan ang recirculated air-conditioning.

Sa mga comfort room naman na ginagamit ng maraming tao dapat ay lagyan ng exhaust fan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: