DOH naglabas ng updated guidelines sa vaccination certificate para sa international travelers
Hindi na kailangang magprisinta ng vaccination certificate ang lahat ng International traveler na papasa sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health, sa updated guidelines kahit ano pa ang vaccination status ay papayagan itong makapasok sa Pilipinas.
Ang mga pasaherong palabas naman ng Pilipinas, nakadepende na sa destinasyon kung mayroong vaccination requirements.
Kaya payo ng DOH sa mga lalabas ng bansa,alamin muna ang requirements sa bansang pupuntahan.
Para naman sa mga Overseas Filipino Workers at Seafarers nakadepende sa agency o kumpanya ang requirements sa vaccination.
Madelyn Moratillo
Please follow and like us: