DOH naglatag ng mga programa para maiwasan ang pagkalat ng Cholera
Tiniyak ng Department of Health na may mga nakalatag silang programa para labanan ang pagkalat ng Cholera sa bansa.
Ayon kay DOH OIC Ma Rosario Vergeire, kasama rito ang pagpapabuti ng wash o water sanitation and hygiene services.
Tinitiyak rin aniya ng DOH na may malinis na mapagkukunan ng inuming tubig ang publiko.
Una rito, pumalo na sa 5,860 Cholera cases ang naitala ng DOH mula January 1 hanggang November 26, 2022 lamang.
Ang kaso na ito ay mataas ng 282% kumpara sa 1,534 noong 2021.
Karamihan ng Cholera cases mula sa Region 8,11, at 3.
May 67 namang naitalang nasawi dahil sa Cholera.
Madelyn Villar – Moratillo
Please follow and like us: