DOH nagpaalala sa mga magulang na huwag payagang magtungo sa matataong lugar ang kanilang mga anak
Umapila ang Department of Health (DOH) sa mga magulang o guardian ng mga menor de edad na huwag hayaang magtungo o dalhin ang kanilang mga anak sa matataong lugar.
Ito ay kasunod ng pasya ng Inter-Agency Task Force na payagan nang lumabas ng bahay ang mga bata ngayong nasa ilalim na ng Alert Level 2 ang Metro Manila.
Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na kung sa tingin ng mga magulang ay makakakuha ng virus ang kanilang mga anak dahil sa matao ang isang lugar ay huwag nang hayaang magtungo pa sila doon.
Nagpaalala rin si Vergeire sa mga may-ari ng establisimyento na kahit pa nagluwag na ng restrictions sa NCR ay panatilihin ang pagpapatupad ng Covid-19 health measures.
Binigyang-diin ng health official na nakasalalay sa kooperasyon ng bawat mamamayan kung mapananatiling mababa ang kaso ng Covid-19 sa buong bansa.
DOH Usec. Ma. Rosario Vergeire:
“It will all depend on how all of us will try to cooperate so that we can be able to sustain ito pong ating pagbaba ng kaso dito sa NCR and even in the whole country”.