DOH nagpaalala sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa Rubella, Tigdas at Polio
Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa Rubella, Tigdas at Polio.
Ang paalala ay ginawa ng DOH kasunod ng nakatakdang Vaccination campaign nila sa Oktubre 26 hanggang Nobyembre 5 sa Regions 1,2 MIMAROPA, Cordillera Administrative Region, at buong Mindanao.
Ayon sa DOH ang rubella, tigdas at polio ay mga sakit na nakakahawa.
Ang rubella at tigdas ay maaari aniyang magdulot ng matinding kumplikasyon habang ang polio naman ay maaaring magdulot ng habang buhay na pagkaparalisa.
Paalala ng DOH walang gamot sa mga sakit na ito, pero pwede itong maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Ayon sa DOH gaya ng ibang bakuna, ang bakuna para sa mga nasabing sakit ay ligtas at may 40 na taon ng ginagamit dito sa bansa.
Madz Moratillo