DOH nagpaalala sa mga sakit na makukuha sa paglusong sa tubig baha
Kasunod ng mga pagbahang idinulot ng katatapos na bagyo, muling nagpaalala ang Department of Health sa mga sakit na maaaring makuha sa paglusong sa tubig baha.
Paalala ni Health Usec Ma Rosario Vergeire, kung naglakad sa tubig baha dapat ay makainom ng prophylaxis sa loob ng 24 hanggang 48 oras para makaiwas sa leptospirosis.
Binigyang diin ni Vergeire na ang leptospirosis ay lubhang delikado at nakakamatay.
Kung nagkaroon naman aniya ng sugat dahil sa paglusong sa baha dapat agad na magpunta sa health center upang matukoy kung kailangang bigyan ng anti tetanus shot.
Ang prophylaxis at anti tetanus vaccine ay maaari aniyang makuha ng libre sa mga health center.
Madz Moratillo