DOH, nagpaalala sa publiko na mag-ingat sa leptospirosis
Kasunod ng ilang araw ng pagbuhos ng malalakas na pag-ulan sa ilang lugar sa bansa at mga pagbaha, nagpaalala ang Department of Health sa publiko na mag-ingat sa leptospirosis.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, ang leptospirosis ay maaaring makuha sa pamamagitan ng paglusong sa tubig baha lalo na kung mayroong sugat.
Kung hindi maiwasang lumusong sa baha makabuting magsuot ng bota bilang proteksyon.
Kung lumusung sa baha tiyaking huhugasan ng mabuti ang paa.
Sa datos ng DOH, mula Enero 1 hanggang Hunyo 19 ay may 589 kaso ng leptospirosis ang naitala sa bansa.
Mas mataas ito kaysa 520 cases na naitala sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.
Ayon kay Vergeire sa 589 leptospirosis cases, 11.29% ang nasawi kung saan ang pinakamarami ay mula sa Cordillera Administrative Region, Region 6 at 2.
Madz Moratillo