DOH, nagpadala na ng emergency at mental health team sa Batanes
Nagpadala na rin ng mga Health emergency at Mental health team ang Department of Health sa Batanes kasunod ng pagtama ng malakas na lindol roon.
Una ng itinaas ng DOH sa code blue alert ang Batanes habang naka white alert naman ang DOH Cagayan Valley Center For Health Development Operations Center.
Ayon sa DOH, ang mental health and psychosocial support team ay mula sa Mariveles Mental Hospital at binubuo ng 1 doktor, 4 na nurse at isang social worker.
Nasa 8 na ang patay habang 63 naman ang sugatan sa pagyanig sa Itbayat, Batanes.
Nagpadala na rin ng 8 man trauma team ang Cagayan Valley Medical Center sa Batanes para tumulong sa mga biktima.
May mga naka standby narin silang team para sa rapid health assessment, mental health and psychosocial, nutrition in emergencies, water sanitation and hygiene, at surveillance sa post extreme emergencies and disasters.
Nabatid na dahil sa patuloy na aftershocks ay hindi na functional ang district hospital ng Itbayat at maging ang kanilang Rural Health Unit.
Nakahanda na rin for deployment ang mga karagdagang medical team mula sa Southern Isabela Medical Center at Region 2 Trauma Medical Center.
Ulat ni Madz Moratillo