DOH, nagpaliwanag sa Senado ukol sa nag-expire at nasayang na vaccine
Nagpaliwanag na ang Department of Health sa mga Senador bakit maraming bakuna laban sa COVID-19 ang nag expire at ‘nasayang.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Health na pinamumunuan ni Senador Bong Go, sinabi ni Health Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Vergeire na hanggang noong nakaraang linggo, umabot na sa mahigit 20, 600 na mga bakuna ang nasayang.
Six percent sa bakuna ay donasyon, 22 percent ang bakuna na binili ng local government units habang 40 percent ay sa pribadong sektor.
Paglilinaw niya walang nasayang na bakuna mula sa mga binili ng gobyerno.
Katumbas aniya ito ng 8.42 percent na pasok pa rin sa standard rate na 10 percent ng World Health Organization.
Nangako rin ang COVAX na papalitan ang mga nag expire na bakuna.
Meanne Corvera