DOH nagpayo sa mga estudyante para makaiwas sa heat exhaustion
Sa gitna ng napakainit na panahon, nagbigay ng ilang paalala ang Department of Health (DOH) para sa mga estudyante para makaiwas sa mga sakit na kaakibat ng tag-init.
Ayon kay Health Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, dapat palaging may baong tubig ang mga bata.
Iwasan ding maglaro sa labas o grounds ng eskwelahan sa panahong matindi ang sikat ng araw.
Noong Marso, sa 118 katao na naitala ng DOH na nakaranas ng heat exhaustion halos lahat ay mga estudyante.
Kabilang sa sintomas ng heat exhaustion ay pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng ulo.
Ipinaubaya naman ni Vergeire sa Department of Education (DepEd) ang pagtugon sa mga tanong kung kailangang baguhin ang school calendar ng mga estudyante, batay sa mga pamantayang inilatag ng kagawaran.
Madelyn Villar- Moratillo