DOH nakapagtala na ng 80 PUI kaugnay ng 2019 NCov…30 pasyente nag- negatibo sa NCov
Umakyat na sa 80 ang naitalang Patient Under Investigation (PUI) ng Department of Health (DOH) kaugnay ng 2019-NCoV Acute Respiratory Disease (ARD).
Ayon sa DOH, ang 67 sa mga ito ay kasalukuyan pa ring naka-confine at naka-isolate, habang ang 10 ay na-discharge na sa ospital pero mahigpit pa rin umanong minomonitor.
Kasama din sa nasabing bilang ang isang naiulat na PUI na nasawi bago pa lumabas ang resulta ng pagsusuri sa kanya..pero ang pasyenteng ito negatibo naman sa 2019 NCov.
At ang Chinese couple na parehong nagpositibo sa virus bagamat ang isa rito ay pumanaw nitong weekend dahil sa severe pneumonia.
Ayon sa DOH, batay sa laboratory result ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), 30 sa una ng tinukoy na PUI ang nag-negatibo sa 2019 NCov, dalawa ang nagpositibo sa virus habang 48 naman ang nakapending pa.
Ipinaliwanag naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pagtaas ng bilang ng mga naitalang PUI ay dahil sa mas lumakas na ang kanilang surveillance system.
Ulat ni Madz Moratillo