DOH nakapagtala ng 3,651 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw
Nakapagtala ang Department of Health ng 3,651 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Dahil rito, ayon sa Department of Health, umabot na sa 3,472,160 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.
Ang aktibong kaso naman ng COVID- 19 sa bansa ngayon, nasa 96,326.
May 12,834 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3,472,160 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.
May 69 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 54,690 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong February 7, 2022 at 3 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Repository System.