DOH, nakapagtala ng mahigit 24,000 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng 24,100 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng DOH, mula July 25 hanggang 31, ang average daily cases ng COVID-19 ay umabot sa 3,443.

Mas mataas ito ng 24% kumpara sa naitala noong July 18 hanggang 24.

May 76 namang naitalang bagong kaso ng severe at kritikal habang may 44 ang nadagdag sa listahan ng nasawi.

Pero sa 44 na ito, ang 1 ay noong Hunyo pa at 3 noong Enero ng taong ito, at ang iba ay noong nakaraang taon pa.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: