DOH, nakapagtala ng mga bagong kaso ng Omicron subvariant
Muli na namang nakapagtala ng mga bagong kaso ng mas nakakahawang subvariant ng Omicron dito sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, sa pinakahuling sequencing may 50 karagdagang kaso ng BA.5 ang naitala sa bansa.
Ang 38 sa kanila ay mula sa Region 6, 5 sa National Capital Region habang ang 7 ay returning overseas filipino.
Ang isa sa kanila ay fully vaccinated, 1 ang hindi pa bakunado habang inaalam naman ang vaccination status ng 48 iba pa.
Ang 1 sa kanila nakitaan ng mild symptoms habang bineberipika naman ang sa iba.
Nakarekober na ang 41 sa mga ito habang ang 4 ay kasalukuyan pang naka isolate.
Sa kabuuan, umabot na sa 93 ang kaso ng BA.5 sa bansa.
May dalawa ring bagong kaso ng BA.4 ang naitala sa bansa.
Ayon kay Vergeire, ang isa rito ay mula sa Region 6 habang returning OFW naman ang isa.
Ang isa sa kanila fully vaccinated na.
Kapwa naman sila nakarekober na at ang isa ay nakaranas lang ng mild na sintomas ng virus.
Sa ngayon umabot na sa 3 ang kaso ng BA.4 sa bansa.
May 11 bagong kaso ng BA.2.12.1 subvariant ang natukoy rin sa bansa.
Ang 7 sa kanila ay mula sa Region 6 habang 4 ang ROF.
Ang 10 sa kanila ay nakarekober na habang sumasailalim pa sa isolation ang 1.
Sa ngayon umabot na sa 43 ang kaso ng BA 2.12.1 sa bansa.
Ayon sa DOH, sa ngayon ay hindi pa nila matukoy ang exposure ng mva ito at bineberipika pa ang kanilang travel history.
Madelyn Villar-Moratillo