DOH, naniniwalang malapit nang matapos ang COVID- 19 pandemic
Naniniwala ang Department of Health na malapit na ngang matapos ang COVID- 19 pandemic dito sa bansa.
Pero, ayon kay DOH O-I-C Maria Rosario Vergeire kailangang maging handa ang bansa.
Kahit matapos na kasi aniya ang pandemya, hindi naman ito mangangahulugang mawawala ang virus mula sa COVID- 19 .
May mga pagkakataon parin aniya na mayroong mga lugar ang magkakaroon ng outbreak .
Dito aniya papasok ang kahandaan ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng booster vaccination para may proteksyon ang bawat isa sa virus.
Una rito, sinabi ng World Health Organization na nakikita nilang malapit nang matapos ang pandemya na idinulot ng COVID- 19 .
Madelyn Villar- Moratillo