DOH nilinaw na hindi kasama sa magtuturok ng COVID-19 vaccine ang mga guro
Nilinaw ng Department of Health na hindi kabilang sa magtuturok ng bakuna ang mga guro sakaling simulan na ang vaccination program para sa COVID-19.
Paliwanag ni Health Usec Ma Rosario Vergeire dito sa bansa ay nakasaad sa batas kung sino lamang ang mga maaaring magbakuna.
Ang mga guro ay hindi aniya kasama rito.
Kung sakali ay kakatulungin aniya nila ang mga guro sa dissemination o information campaign hinggil sa vaccination plan.
Pero paglilinaw pa ni Vergeire sa ngayon ay wala pang pinal na desisyon hinggil rito.
Ang mga pharmacist at midwives naman ay pwede aniyang magbakuna kaya pwede silang makatuwang ng DOH sa COVID-19 vaccination activities.
Ang mga pharmacist para makapagbakuna ay kailangan lang sumailalim sa training at mabigyan ng Certificate ng DOH .
Habang ang mga midwife naman ay dati ng nakakatuwang ng DOH sa kanilang vaccination activities.
Madz Moratillo