DOH nilinaw na noong Enero pa naaprubahan ang paggamit ng saliva bilang alternatibong specimen para sa RT-PCR testing
Inaprubahan na ng Research Institute for Tropical Medicine ang paggamit ng saliva o laway bilang alternatibong specimen para sa RT-PCR testing sa mga laboratoryo ng Philippine Red Cross.
Ayon sa DOH, noon pang Enero 21, inaprubahan ng RITM ang paggamit sa saliva sa pagtukoy ng COVID-19.
Sa isang statement nilinaw ng Department of Health na hindi na naghihintay ng accuracy review ng RITM ang PRC.
Pero ayon sa DOH, dahil bago ang paraan na ito at upang masiguro ang kalidad nito dapat magsagawa ng regular review ang PRC hinggil rito gaya ng pagsasagawa ng parallel test sa RT-PCR.
Ang resulta kailangan namang isumite sa RITM.
Madz Moratillo