DOH nilinaw na walang stages ang Covid-19
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang stages ang Covid-19 depende sa kung saang parte ng katawaan ito tumama.
Una rito, kumalat sa social media ang isang post patungkol sa umano’y stages ng Covid-19 at mga paraan para gumaling agad mula rito.
Ayon sa DOH, ang pagklasipika sa mga pasyenteng may Covid-19 ay nakabatay sa kung gaano kalala ang kanilang mga sintomas na nararamdaman.
Habang ang paggaling naman mula sa virus ay depende sa dami ng araw na maaaring makahawa ang pasyente at hindi lamang sa panahon ng pagkakaroon ng sintomas.
Nilinaw rin ng DOH na ang pag-inom ng vitamins ay hindi kabilang sa Clinical Practice Guidelines.
Ayon sa DOH, maaaring gawin ang mga bagay na ito subalit wala itong nagagawa laban sa virus ng COVID-19.
Nilinaw rin ng DOH na ang virus na dala ng COVID-19 ay hindi ito ginagamitan ng antibiotics.
Paalala ng DOH kung may nararamdamang sintomas o kung nagkaroon ng close contact sa taong positibo sa virus ay agad na mag self-isolate at tumawag sa barangay health emergency response team para magabayan sa mga dapat gawin.
Madz Moratillo