DOH, pabor sa total ban ng paputok

Hindi magdadalawang-isip ang Department of Health na itulak ang total ban sa mga paputok kung may mga madidisgrasya pa rin sa kabila ng kontrolado na ang paggamit ng paputok sa mga okasyon.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, masusi nilang babantayan ang paggamit ng paputok na naaayon sa nilagdaang Executive Order ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng EO, papayagan lamang ang paggamit ng paputok kung gagawin ito sa mga community regulated areas at pangangasiwaan ng isang eksperto.

Kasabay nito, ipinahiwatig ni Ubial na mas pabor siya sa tuluyang pagkitil sa industriya ng paputok kung hindi magtatagumpay ang kontroladong paggamit nito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *