DOH, patuloy ang paalala sa mga lumulusong sa baha

Patuloy ang paalala ng Department Of Health o  DOH, sa mga lumusong sa baha na kumunsulta sa manggagamot bilang preventive measures laban sa leptospirosis, lalo na ngayon at marami pa ring lansangan ang lubog sa tubig baha.

Ayon naman kay Dr. Helen T. Ocdol, Presidente ng Philippine Society of Nephrology o PSN,  hindi lang kidney o bato ang pinipinsala ng Leptospirosis kundi maging ang iba pang organ ng katawan at bahagi nito.

Dr. Helen T. Ocdol:

May tinatawag na Myocarditis which is inflammation of the heart, no, mabagal din ang heart beat nila, irregular din ang heart beat ng pasyente dahil nagkakaroon ng Myocarditis, lungs kasama yun sa severe form of Leptospirosis, isa lang ung kidney na tatamaan, ung liver kasama din – so it’s actually a multi organ problem”

Samantala, binigyang diin ng DOH na iwasan ang lumusong, lumangoy o maglaro sa tubig baha, kung hindi maiiwasang lumusong sa baha, gumamit ng bota lalo na kung may sugat, hugasan ng malinis na tubig at sabon ang mga binti at paa matapos na lumusong sa baha, bantayan ang mga sintomas ng leptospirosis tulad ng lagnat, pananakit ng binti, ulo at likod ng mata, paninilaw ng balat, kulay tsaa na ihi, ubo, pagsusuka at pagdudumi.

Payo ng DOH kumunsulta agad sa pinakamalapit na pagamutan kapag nilagnat, 0 nakaramdam ng alinman sa mga sintomas ng Leptospirosis.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *