DOH patuloy ang panawagan sa publiko na huwag ng magpaputok sa pagsalubong sa bagong taon
Ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, patuloy ang panghihikayat ng Department of Health sa publiko na huwag ng gumamit ng paputok.
Sa kanilang social media pages, nagpost rin ang DOH ng larawan ng mga kamay na nasugatan habang ang iba ay naputulan naman ng daliri dahil sa paputok.
Mas masaya umano ang pagsalubong sa Bagong Taon na kumpleto pa ang mga daliri.
Sa datos ng DOH, karamihan sa mga nagtamo ng pinsala dahil sa paputok ay sa kamay, ulo at mata.Halos 30% din sa mga naputukan, kinalaingang i-amputate o putulan ng bahagi ng katawan.
Nagbigay naman ng ilang tips ang DOH sa mga pwedeng gawin kung ikaw ay nasugatan dahil sa paputok.
Una, hugasan agad ng malinis at umaagos na tubig ang sugat, takpan ng malinis na tela para maiwasan ang impeksyon at mapanatiling malinis ito.
Dalhin ang biktima sa pinakamalapit na health facility.
Narito naman ang mga Hindi dapat gawin kapag naputukan.
Una hindi dapat pahiran ng kung ano ano gaya ng toothpaste, bawang sukat at iba pa ang sugat.
Hindi rin dapat hayaang ma -expose sa dumi at foreign objects ang sugat.
Huwag ipagwalang bahala ang sugat.
Madz Moratillo