DOH patuloy na nakapagtatala ng pagtaas ng Delta variant cases sa mga komunidad
Bagamat ang Alpha at Beta variant ng Covid 19 ang may pinakamaraming kaso sa bansa, sinabi ng Department of Health na patuloy namang nakakapagtala ng pagtaas ng mga kaso ng Delta variant sa bansa.
Sa datos ng DOH, umabot na sa 2,669 ang kabuuang bilang ng Beta variant cases na naitala sa bansa, 2,395 na Alpha variant, habang 1,789s CNN naman ang Delta cases.
Pero sa mga variant na ito, ang Delta ang may pinakamaraming active cases na nasa 38, ang Alpha naman ay may 19 active cases habang 15 naman ang sa Beta.
Sa mga nasawi naman, may pinakamataas na death rate ang Alpha variant kung saan may 129 ang nasawi, 98 ang Beta, at 33 naman sa Delta.
Partikular na tinukoy ng DOH ang mga komunidad na nakikitaan ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Delta variant.
Kaya naman, paalala ng DOH sa publiko, kung makaramdam ng sintomas ng virus, agad mag-isolate at makipag ugnayan sa Barangay Health Emergency Response Team.
Patuloy rin nitong hinihikayat ang publiko na magpabakuna na kontra Covid-19 at sumunod sa health protocols sa lahat ng pagkakataon.
Madz Moratillo