DOH, patuloy na pinalalakas ang kampanya sa breastfeeding program
Nananatiling “Breast milk is still Best for babies”
Marami nang pag-aaral ang nagpatunay na mahalagang ang isang ina ay nagpapa -breastfeed upang maging malusog ang sanggol at maging sa ina na rin.
Kaya naman, tuluy-tuloy na pinalalakas ng Department of Heakth (DOH) ang kanilang kampanya sa breastfeeding program.
Samantala, binigyang diin ni Ms. Abby Co, Presidente ng Breastfeeding Pinay na bukod sa benepisyong pangkalusugan na dulot ng breastmilk sa baby at sa kanyang ina, ang breast milk ay tinatawag na Gift of Life.
“Mahalagang mahalaga ang pagpapasuso sa bata unang una ito ang perfect na pagkain para sa kanila ito ang nagbibigay ng perfect sapat na nutrisyon para sa mga bata, ito rin ay una nilang bakuna kasi ito ay nagbibigay ng gamot para sa kung anuman ang sakit nila dahil ang breastmilk ay naglalaman ng anti body na lumalaban sa bacteria at virus so tinutulungan talaga ng breast milk na makalaban sa lahat ng ito” Abby Co, President, Breastfeeding Pinay
Binigyang-diin pa ni Co na malaki din ang maitutulong ng pagpapa-breastfeed upang hadlangan ang sakit sa mga sanggol na tinatawag na sudden infant death syndrome.
Ulat ni Belle Surara