DOH patuloy pa ring inaalam kung paano nahawa ng monkeypox ang isang pinoy sa Iloilo
Hindi inirerekumenda ng Department of Health ang pagpapatupad ng lockdown sa Iloilo kasunod ng kumpirmasyon ng ikaapat na kaso ng monkeypox virus sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon kung saan nakuha ng nasabing pinoy ang virus.
Hindi naman kasi ito nagpunta sa mga bansa na may kumpirmadong kaso ng monkeypox.
Sa ngayon ay nananatili umanong nasa maayos na kondisyon ang nasabing pinoy maging ang kanyang close contacts na patuloy pa ring naka isolate.
Nilinaw rin ng DOH na hindi pa maaaring sabihin na may local transmission na ng nasabing virus.
Madelyn Villar – Moratillo