DOH, pinag-aaralan na ang iba pang paraan para mapataas ang vaccination coverage sa BARMM
Pinag-aaralan na ng Department of Health kung paano pa mapapalakas ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, Chairperson ng National Vaccination Operations Center, para sa unang dose ng bakuna, 32% palang ng mga taga BARMM ang nabakunahan.
Habang nasa 25% palang ang fully-vaccinated.
Sinabi ni Cabotaje na pinag-aaralan narin nilang amagtanong hinggil sa karanasan ng iba pang Muslim countries sa pagbabakuna gaya ng Malaysia, Indonesia at Saudi Arabia.
Una rito, sinabi ng pamahalaan na halal certified ang mga brand ng COVID-19 vaccine na ginagamit sa bansa.
Madz Moratillo