DOH, pinag-iingat ang publiko laban sa diarrhea dahil sa kontaminadong tubig sanhi ng pagbaha
Muling nagbabala ang Department of Health o DOH na mag ingat sa mga iniinom na tubig at kinakain dahil sa marami na naman ang nabibiktima ng diarrhea.
Ayon sa DOH, maraming uri ang diarrhea, at mahalagang isinasagawa paghuhugas ng mga kamay bago at pagkatapos kumain, pagkagaling sa comfort room at bago ihawak sa mukha.
Samantala, ayon naman sa mga eksperto, may mahigit na tatlong libo ang mga batang namamatay dahil sa isang uri ng diarrhea na tinatawag na rota virus diarrhea.
Ang rota virus diarrhea ay isang malala, seryoso at nakamamatay na sakit at ang karamihang naaapektuhan nito ay pawang mga batang mababa sa limang taong gulang.
Ulat ni Bel Surara