DOH, pinagkukomento ng Korte Suprema sa dengvaxia petition

Inatasan ng Korte Suprema sina Health Secretary Francisco Duque III at iba pang opisyal ng gobyerno na magkomento sa petisyon na humihiling na tugunan ng pamahalaan ang panganib na dulot sa kalusugan ng anti-dengue vaccine na dengvaxia.

Sinabi ni Supreme Court Public Information Office Chief Atty.Theodore Te, may sampung araw ang mga respondents para magsumite ng komento sa petisyon na inihain ng Gabriela women’s partylist at iba pang children’s group.

Bukod kay Duque, respondents sa petisyon sina Education Secretary Leonor Briones, dating DILG OIC Catalino Cuy, Dr. Lyndon Lee Suy, Program Director ng DOH-national center for disease prevention and control at FDA Director General Nela Charade Puno.

Kabilang naman sa mga petitioners ang pitumpung magulang at kanilang mga anak na nabakunahan ng dengvaxia.

Nais ng mga petitioners na atasan ng Supreme Court ang DOH na bigyan ng pangmatagalan at libreng medical service at treatment ang sinomang nabakunahan ng dengvaxia na magkakaroon ng severe dengue o side effects.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *