DOH, pinagpapaliwanag ng Senado sa umano’y kautusan na nagbabawal sa mga pribadong kumpanya na bumili ng Covid vaccine
Pinagpapaliwanag ng mga Senador ang Department of Health (DOH) sa umano’y planong paglalabas ng Administrative order na nagbabawal sa ilang kumpanya para direktang bumili ng Covid-19 vaccine.
Kapwa sinabi nina Senate minority leader Franklin Drilon at Senador Ralph Recto na kung totoo ang umano’y ban ng DOH, iligal ito at labag sa batas.
Sabi niDdrilon malinaw na paglabag ito sa Covid-19 Vaccination Act of 2021.
Ayon sa mga Senador sa sinasabing draft ng Administrative Order, nakasaad na ang National Task Force against Covid-19 at DOH ang naatasang mag-review ng mga request ng mga pribadong kumpanya.
Partikular na ang mga kumpanyang may conflict sa Public Health tulad ng Tobacco company.
Tinukoy ng Senador ang Section 4 ng Republic Act 11525 kung saan malinaw na pinapayagan ang mga Private entities na bumili ng bakuna bastat makipag-ugnayan sa gobyerno.
Senador Franklin Drilon:
“The Law does not discriminate against or exclude companies based on their products, services, or lines of business. The supposed administrative order, therefore, is discriminatory and it would go beyond the law and would constitute an actionable wrong”.
Meanne Corvera