DOH pinalawig ang kanilang Vaccine Supplemental Immunization Activity
Pinalawig pa ng Department of Health ang kanilang vaccination program kontra Measles, Rubella, at Polio na natapos nitong Pebrero.
Sa isang statement sinabi ng DOH na ang kanilang Measles, Rubella, and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity ay inextend nila hanggang sa Linggo o Marso 7.
Ito ay upang maabot ang kanilang target population na 95%.
Ayon sa DOH, hanggang nitong Marso 1, nasa 83.7% o mahigit 4.2 milyon na ang kanilang nabakunahan laban sa Measles at Rubella.
Habang nasa 82.4% o mahigit 3.9 milyon naman ang nabakunahan laban sa Polio.
Sa pagtaya ng DOH nasa mahigit 800 libong bata pa mula 0 hanggang 59 month old ang hindi pa nabakunahan sa kanilang mga target na rehiyon.
Patuloy naman ang apila ng DOH sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa mga sakit na ito na maaari namang maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Giit ni Health Secretary Francisco Duque III napatunayan naman na, na ang mga bakuna na ito ay ligtas at epektibo.
Umapila rin si Duque sa mga lokal na pamahalaan na tulungan ang DOH sa pagpapalanas ng vaccination programs at matiyak na lahat ng bata sa kanilang lugar ay nabakunahan.
Madz Moratillo