DOH pinangunahan ang isinagawang National Bicycle Day

Nilahukan ng mga siklista sa pangunguna ng mga tauhan ng Department of Health o DOH ang isinagawang National Bike-to-Work day 2024 o National Bicycle day sa  Sto Niño covered court sa Marikina city.

Ang naturang aktibidad ay may temang Ride together, thrive together kung saan nagsama-sama ang ibat ibang sangay ng gobyerno.

Ang National bike-to-work day ay alinsunod sa Proclamation 409 na pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2023.

Layon nitong maitaas ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan ng pagbibisikleta na isang alternatibong transportasyon at pagtataguyod ng active transport sa bansa .

Magugunita na noong kasagsagan ng pandemiya isa sa naging alternatibong transportasyon ang bisikleta makaraang kanselahin ang biyahe ng mga pampublikong transportasyon.

Jim Tejano

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *