DOH, pinawi ang pangamba ng publiko sa posibilidad na makapasok ang mga variant ng COVID-19
Walang mababago sa mga ipinatutupad ng gobyernong patakaran sa mga pumapasok na biyahero sa bansa.
Ito ang inihayag ni Health Usec Ma Rosario Vergeire sa kabila ng napaulat na bagong variant na naman ng Omicron.
Nabatid na ang Omicron XE ay kabilang sa tinatawag ngayong variant under monitoring ng World Health Organization.
Kahit nagbukas ng borders, nananatili parin naman aniya ang mga ipinatutupad na safeguards para masigurong hindi makakalusot ang mga variant na ito sa bansa.
Kung sa ibang bansa ay inalis na ang pre departure test at face mask policy dito sa Pilipinas mananatili parin daw ito.
Tiniyak naman ng Infectious Disease Specialist na si Dr. Edsel Salvana, nananatili paring epektibo ang mga bakuna kontra COVID-19 na ginagamit dito sa bansa laban sa mga lumalabas na variant.
Sa datos ng DOH, mahigit 66.2 milyon na ang fully vaccinated sa bansa, pero 12.2 milyon palang ang nagpabooster na.
Una ng sinabi ng DOH na batay sa kanilang projection, hanggang sa katapusan ng Abril ay wala silang nakikitang posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Lahat ng rehiyon, nananatili parin aniyang nasa minimal to low risk classification at less than 1 ang average daily attack rate.
Madz Moratillo