DOH Reg. 4a nagbabala sa publiko sa kumakalat na fraudulent solicitation
Nagbabala si DOH region 4A Director Dr. Eduardo Janairo sa publiko dahil sa mga kumakalat na fraudulent solicitation na ginagawa ng ilang nagpapakilala umanong mga empleyado at staff ng ahensya at ginagamit din umano maging ang kaniyang pangalan para mangolekta ng salapi.
Ayon kay Janairo, nakatanggap na sila ng mga reports at reklamo mula sa kanilang mga suppliers at contractor na may ilan umanong mga nagpapanggap na empleyado sa ahensya na nanghihingi ng salapi para lamang sa kanilang pansariling kapakinabangan.
Sinabi pa ni Janairo na hindi niya ipinag-utos kailanman ang manghingi ng salapi o mag solicit sa ibang tao o indibidwal.
Dagdag pa ni Janairo, na hindi pa rin aniya sila tumitigil at patuloy pa rin sa kanilang kabulastugan.
Paalala naman ni Janairo sa publiko na huwag maniniwala, huwag magtitiwala at importante sa lahat huwag na huwag magbibigay ng kahit anumang pera o tulong.
Mas makabubuti aniya kung ipagbigay alam agad umano ito sa kanilang tanggapan o kaya ay makipag-ugnayan sa kanilang Hotline No. 8-249-2000 loc. 4400 or email at [email protected] o kaya ay magsend ng message sa pamamagitan ng kanilang Facebook page – Department of Health Regional Office IV-A Calabarzon.