DOH Reg. 4a nagpaalala sa publiko na huwag kalimutang magpabakuna ng 2nd dose ng Covid-19
Pinaalalahan ng DOH Region 4a ang mga nakatanggap ng 1st dose ng Covid-19 Vaccine na huwag kalimutang magpabakuna ng 2nd dose ng Vaccine.
Ito ay para matiyak na makukuha ng bawat taong nabakunahan ng 1st dose ang full protection nito laban sa nakamamatay na virus.
Ayon kay DOH Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo, kailangan makatanggap ng ikalawang dose ng Covid 19 Vaccine ang tumanggap na ng 1st dose para magkaroon ang tao ng full protection laban sa virus.
“Tandaan natin na nagkaroon na ng maraming variant ang virus kaya napakaimportanteng makumpleto natin ang bakuna natin upang masiguro na ang katawan natin ay may kumpletong panlaban sa Covid-19,”
-Dr. Eduardo Janairo
Reg. Dir. DOH Calabarzon
=============
Sinabi pa ni Janairo na kahit nabakunahan na ang isang indibidwal ay hindi ibig sabihin nito na hindi na magkakaroon ng Covid-19.
Ayon pa sa opisyal, ang katawan natin ay kailangan muna umanong makabuo ng antibodies panlaban sa virus para hindi magkaroon ng severe form ng Covid-19.
“Kahit nabakunahan na kayo ay hindi ibig sabihin nito na hindi na kayo tatamaan ng Covid dahil ang katawan natin ay kailangan munang makabuo ng antibodies panlaban sa virus para hindi magkaroon ng severe form ng Covid-19.”
-Dr. Eduardo Janairo
Sinabi din ni Janairo na dapat tandaan ng bawat isa na nagkaroon na rin aniya ng maraming variant ang virus kaya napakaimportanteng makumpleto ang bakuna upang masiguro na ang katawan ng isang tao ay may panlaban sa Covid-19.