DOH Reg. 4a nagpaalala sa publiko ukol sa pag-iingat ngayong tag-araw.
Nagpapaalala ang DOH Region 4a sa publiko na manatiling hydrated kumain ng mga prutas at uminom ng hanggang walong basong tubig sa isang buong maghapon.
Kasunod ito ng patuloy na nararanasang mainit at maalinsangang panahon sa bansa lalo na sa Calabarzon region.
Ayon kay DOH region 4a director Dr. Eduardo Janairo, ramdam pa rin sa bansa ang summer season.
Pinaka mainam na lamang aniya sa mga kababayan natin ang manatili na lang sa kani-kanilang mga tahanan dahil hindi lamang umano Covid 19 ang dapat na iwasan kundi pati na ang init ng panahon.
“It is best to stay at home or indoors dahil hindi lang Covid ang dapat nating iwasan ngayon kasama na rin dito ang sobrang init ng panahon na nararanasan natin. Hangga’t maari ay iwasan nating lumabas ng bahay mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon dahil ito ang pinakamainit na oras na makakapagdulot ng masamang epekto sa ating kalusugan,”
Sinabi pa ni Janairo na nakapakaimportante rin na ang katawan natin ay mabigyan ng sapat na tubig.
Kaiilangan umano ito sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig at pagkain ng mga prutas na sagana sa tubig at bitamina gaya ng pakwan, singkamas at sabaw ng buko na mayroong electrolytes, potassium, magnesium, sodium at calcium. Ito ay marami sa panahon ng tag-init.
“Napakaimportante na ang katawan natin ay mabigyan ng sapat na tubig dahil binubuo ito ng 70 porsyento ng tubig at nababawasan ito kung tayo ay lumalabas, naglalaro at nagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw sa pamamagitan ng pagpawis at pag-ihi.”
“Kaya’t kailangan nating mapalitan ang ito sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig at pagkain ng mga prutas na sagana sa tubig at bitamina gaya ng pakwan, singkamas at sabaw ng buko na mayroong electrolytes, potassium, magnesium, sodium at calcium. Ito ay marami sa panahon ng tag-init.”
“Huwag ding kalilimutan ang pinya na may 87 porsyento ng tubig at may vitamin C na makakatulong magpalakas ng resistensya at makakatulong ding panlaban sa Covid-19.
-Dr. Eduardo Janairo
DOH Region 4a Director