DOH Region 4a inilunsad ang Advocacy on COVID-19 BIDA Solusyon during Disaster sa Ling-ga Elementary School sa Calamba City, Laguna.

Inilunsad ng DOH-Calabarzon ang programa nitong “Advocacy on COVID-19 BIDA Solusyon during Disaster” sa Lingga Elementary School sa Calamba City, Laguna. 


Nagkaroon dito ng simulation at seminar-workshop kung saan ipinakita sa mga residente ang nararapat na gawin sa isang evacuation center para mapanatili at maging ligtas ang mga evacuees laban sa banta ng COVID-19 sa panahon ng kalamidad. 


Itinuro din ng mga DOH official ang wastong paraan ng pagsunod sa itinakdang minimum health standards kapag nasa mga evacuation center gaya ng pagkakaroon ng hand sanitation station, hand washing station, pagkuha ng temperatura, pagsunod sa physical distancing, paglalaan ng swabbing booth, agad na access sa pangunahing health services, at psychosocial activities. 


Ayon kay DOH region 4a Dir. Eduardo Janairo, importante na maging ligtas ang mga residenteng lumilikas hindi lamang sa mga kalamidad gaya ng bagyo kundi maging sa nagpapatuloy na pandemya at maiwasan ang pagkalat at muling pagtaas sa kaso ng COVID-19.


Binigyang-diin rin ni Janairo na kaya ng bawat evacuees na maging BIDA sa kabila ng kanilang sitwasyon sa pamamagitan ng pagsunod pa rin sa panawagan ng kampanya gaya ng pagsusuot ng face mask, paglilinis ng mga kamay, pagdistansya ng isang metro, at pag-alam sa totoong impormasyon. 


Bukod sa pagbibigay ng kaalaman sa mga residente ay nagkaloob din ang mga DOH official ng libreng check up at namhagi ng mga gamot at vitamins maging ng mga hygiene kits na naglalaman ng mga facemask, face shield, alcohol, sabon, at COVID-19 booklet.

Jet Hilario

Medical Check up. Isa sa mga aktibidad ng DOH Reg. 4a na kabilang sa “Advocacy on COVID-19 BIDA Solusyon during Disaster”
Please follow and like us: