DOH Sec. Duque, itinangging may palakasan sa IRM…Dalawa sa mga Philhealth official, hindi sumipot sa pagdinig ng Senado

Mariing pinabulaanan ni Health secretary Francisco Duque na may palakasan sa pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng Interim Reimbursement program.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Duque na lahat ng mga ospital at mga Healthcare institution ay nabigyan ng IRM.

Iginiit rin ng kalihim na ang IRM ay hindi lang para sa Covid-19 batay  sa probisyon ng  National Health Insurance Act at Universal Healthcare.

Tiniyak ng kalihim na babantayang mabuti ang pondo ng Philhealth at lilinisin ang anumang katiwalian sa ahensya

Samantala, hindi dumalo sa pagdinig sina Philhealth President at CEO Ricardo Morales at iba pang opisyal ng Philhealth.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto, nagpadala ng sulat si Morales na ito ay kasalukuyang naka-medical leave habang may medical follow up check-up naman si Vice-President and Chief Operating Office Arnel de Jesus.



Sa kaniyang sulat, sinabi ni Morales na naka-medical leave ito mula August 17 hanggang 28 na inaprubahan ni Duque na siyang Chairman ng Board ng Philhealth.

Ulat ni Meanne Corvera



Please follow and like us: