DOH Secretary Francisco Duque III, pinagpapaliwanag ni Pangulong Duterte sa isyu ng somebody who drop the ball sa Pfizer COVID-19 vaccine agreement
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na magpaliwanag sa sinasabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na somebody who drop the ball kaya hindi natuloy ang kasunduan ng Pilipinas sa Pfizer COVID 19 vaccine manufacturer na dapat sana Enero ng susunod na taon ay maidedeliver na ang bakuna.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque kinausap ng Pangulo si Duque para ipaliwanag ang akusasyon ni Secretary Locsin na dahil umano sa kapabayaan nasayang ang pagkakataon ng Pilipinas na makakuha ng 10 milyong doses ng anti COVID 19 vaccine na gawa ng Pfizer ng Amerika sa unang buwan ng susunod na taon.
Ayon kay Roque tuloy parin naman ang negosasyon ng pamahalaang Pilipinas sa US government at inaasahang sa buwan ng Hunyo ng susunod na taon ay darating sa bansa ang bakuna na gawa ng Pfizer.
Sa pahayag ni Locsin naisara na ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa pamamagitan ni US Secretary of State Mike Pompeo para sa bakuna ng Pfizer subalit nabigo umano si Doque na isumite ang requirement na Confidentiality Disclosure Agreement o CDA for procurement.
Batay sa record September 24, 2020 ibinigay kay Secretary Doque ang CDC para pirmahan subalit nireview pa umano ng legal department ng DOH at napirmahan noong October 26 ng taong kasalukuyan.
Vic Somintac